oracay pa rin ang paboritong puntahan ng karamihan ng mga artistang gustong magbakasyon sa Semana Santa. Nung Miyerkules Santo, April 20, pa lang ay namataan na namin sa Terminal 3 airport ang pamilya Gutierrez na patungong Boracay. Nakaugalian na rin nina Sen. Bong Revilla at Rep. Lani Mercado na sa Boracay mag-Holy Week kasama ang kanilang mga anak at apo. Sa Discovery Shores sila naka-billet, kung saan nandoon din si Richard Gutierrez kasama ang mga kapatid at ilang kasamahan sa Captain Barbell na sina Lovi Poe, Michelle Madrigal, Ervic Vijandre, at Solenn Heussaff na sumunod lang kinabukasan. SOLENN HEUSSAFF. Mukhang in-enjoy nang husto ni Solenn ang kanyang bakasyon sa Boracay. Unang gabi pa lang niya ay nagpakalasing na ito nang husto kasama ang mga kaibigan. Namataan siya kinabukasan ng alas singko ng umaga na nakabalik sa hotel na binibitbit na lang dahil sa sobrang kalasingan. SOURCE : PEP.PH | DATE : APRIL 23,2011 Add Comment |
RSS Feed