Picture
Totoo kaya ang balita na isa si Mark Bautista sa mga bagong suitors ng sexy model-turned-actress-singer na si Solenn Heussaff?

Ayon sa mga usap-usapan ay naging close raw sila Mark at Solenn noong magkaroon sila ng isang production number sa Party Pilipinas. Since then, ay nagkaroon na raw ng constant communication ang dalawa at balita ngang nanliligaw si Mark kay Solenn.



Pero sa re-launching ng album ni Mark under Viva Records titled,  Nagmamahal, last August 18 sa Viva Entertainment Office, nakangiting itinanggi ni Mark ang balitang ito.



Sinabi lang niya na close sila ni Solenn pero wala pa raw siyang lakas ng loob na manligaw dito.

Alam raw si Mark na maraming nagkakagusto kay Solenn at alam niyang malaki ang lamang ng mga suitors nito kumpara sa kanya.

“Kahit sino namang lalake, hindi puwedeng hindi mapansin si Solenn. She is so sexy, very beautiful at napakabait na tao.

“At first, akala mo na isnabera siya because of how she looks. Pero deep inside, mabait siyang tao at yun ang nagustuhan ko sa kanya,” ang sabi ni Mark.