Magkasamang dumating sina Richard Gutierrez at Solenn Heussaff sa grand launching ng Caffe Ti-amo sa Greenbelt 5, Makati City, last Wednesday, December 1. Parehong napapanood ang dalawa sa GMA-7 reality series na Survivor Philippines Celebrity Showdown, na kung saan si Richard and main host samantalang si Solenn naman ay isa sa mga castaway contestants. Kasalukuyang nali-link ang dalawa mainly because may mga proyekto silang pagsasamahan sa telebisyon at pelikula pagpasok ng 2011. Nangunguna sa listahan ang Valentine romantic-comedy movie na magkasamang popondohan ng Regal Films at GMA Films. Nabanggit ni Richard na kabilang din sa pelikula sina Jillian Ward, Rhian Ramos, at Lovi Poe. Inamin din ni Solenn that she's being considered as one of Richard's potential leading ladies sa pagbabalik ng popular Pinoy superhero na si Captain Barbell sa telebisyon. "Considered lang," nahihiyang ngiti ni Solenn nang makausap ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters. Dagdag pa ng dalaga, "It's a great opportunity and I'm sure a lot of ladies are dying to be in my position." JUST FRIENDS. Expected naman na ni Richard na mali-link silang dalawa ni Solenn from now on dahil nga madalas na sila siyempreng makikitang magkasama in public. But more than just being paired together in front of the camera ay magkaibigan naman daw talaga sila in real life kaya hindi na rin problema kung chemistry lang din ang pag-uusapan. "I won't be surprised if that happens," sabi ni Richard, na ang tinutukoy ay ang mga magsusulputang balita patungkol sa kanilang closeness. "Lagi naman kaming magkasama ni Solenn... Pero 'yon nga, kami ni Solenn, we're gonna be working a lot soon. "We'll be doing a movie and Captain Barbell and we'll obviously have fun while doing it and enjoy the experience, 'yon muna." Sinabi ng dalawa na magkaibigan lang talaga sila at pareho silang excited na magkaroon ng pagkakataon na maging magkatrabaho. Between the two ay mas kinakabahan si Solenn dahil first time niyang aarte sa harap ng camera. Medyo nagugulat din daw siya sa bilis ng mga pangyayari sa kanyang young career simula ng mapabilang sa Philippine edition ng Survivor franchise. That same day, kasabay ng launching ng café ay pumirma na din si Solenn ng kontrata sa Regal Films at MCA Universal. (CLICK HERE to read related article.) "I never acted before and I don't want to disappoint everyone, especially all the people I'll be working with," pahayag ni Solenn. Paano naman ba ilalarawan ni Richard ang mga katangian ni Solenn? "Well, Nakita naman kasi natin si Solenn sa Survivor, di ba? Nakita natin 'yong personality ni Solenn, so I don't need to elaborate really kung anong klaseng tao si Solenn. "Nakita naman natin that she's down to earth, she's game for anything, and she's fun."So, kilala na siya ng tao ngayon and I think the people like what they saw inSurvivor." Solenn also had nothing but good words para sa kanyang future leading man: "He's a gentleman, he's successful, and he's really nice—great to hang out with." And speaking of Survivor, sinabi ni Solenn na malaki ang pasasalamat niya sa programa dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maipakita at maituwid ang kung anumang maling pagtingin sa kanya ng publiko dati. "Everyone had pre-judgments about me—that I'm a socialite, I'm a model. "So, at least they got to see that I'm just like everyone else," nakangiting pahayag ni Solenn. SOURCE: PEP.PH | DATE: DECEMBER 3,2010 Add Comment Masayang-masaya si Solenn Heussaff dahil tuloy-tuloy ang pagtanggap niya ng biyaya matapos sumali sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. Sunod-sunod kasi ang pagpirma niya ng mga kontrata para sa paggawa ng pelikula, album, at mga programa sa telebisyon. "There's a lot of contracts for one week," bulalas ni Solenn kagabi, December 1, nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng entertainment press. Naganap ang panayam sa penthouse ng Imperial Suites Hotel, Quezon City, matapos pirmahan ng model at fashion designer ang one-and-a-half-years contract niya with Regal Films. Kasama sa nasabing signing event ang manager ni Solenn na si Leo Dominguez, at ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde. Kasama sa package ng Regal ay ang paggawa ni Solenn ng tatlo o mahigit pang pelikula para sa 2011—isang Valentine's movie with Richard Gutierrez, isang comedy film, at ang remake ng 1980 Regal movie na Temptation Island. Kahapon din ay pumirma si Solenn ng isang recording contract with MCA Universal. Mamaya naman ay pipirma si Solenn ng kontrata sa GMA-7, para maging opisyal na Kapuso. Pahayag ni Solenn, "big blessing" raw sa kanya ang mga offers na dumarating sa kanya. "That's why I decided to try out showbiz because they've been asking and asking and I said, its probably a sign that I should try it out. So, hopefully its meant to be for me," saad niya. Paglilinaw muli ni Solenn, hindi niya raw talagang pinlanong mag-showbiz. Gusto niya lang sanang maging singer, pero hindi nga niya matanggihan ang mga offers. "Yeah, I always want to have an album out. That was really my plan after Survivor. I'll just keep on designing, and have an album. Pero, the offers kept on coming, and like I said the door is only open once in a while," sabi ni Solenn. Masaya man si Solenn sa mga darating na project, hindi pa rin niya maitatago ang kaba. "I'm so scared because it's like all at once. I don't really want to disappoint anyone. I really want to do my best at everything. So I'm just really nervous." Para sa MCA naman, gagawa si Solenn ng isang album para sa susunod na taon din. "We're still working on it, but more dance," saad ni Solenn. SURVIVOR PHILIPPINES. Bukas na ang finale ng Survivor Philippines Celebrity Showdown. Pahayag ni Solenn, makakahinga na rin siya ng maluwag dahil matatapos na ang laro. Live voting kasi ang magaganap kaya tila naglalaro pa rin siya kahit na nakabalik na sa Pilipinas. Kasama ni Solenn sa final four sina Aubrey Miles, Akihiro Sato, at Ervic Vijandre. "I'm happy that the game is finally over," sabi ni Solenn. "Kasi even if we finished taping in Thailand, parang, like everyone's still in the game kasi it was live voite the whole time. Parang, if you're being nice to someone, they'll think you want their vote, it's like that. So I'm just happy it's over so we can be ourselves together." Kung may pagkakataon, gusto niya pa bang sumali ulit sa Survivor Philippines? "Join again? I would. First I said, hell no. Now I'm game. If there's an all-stars or something, I'll do it," sagot ni Solenn. SOURCE : PEP.PH | DATE : DECEMBER 2,2010 Walang duda na isa sa paboritong castaways saSurvivor Philippines Celebrity Showdown ang socialite model na si Solenn Heussaff. Sa ngayon, siya ang may pinakamaraming twits mula sa fans na sumusubaybay sa reality show ng GMA-7.
Tahimik, walang reklamo, at kinakaya raw kasi ni Solenn ang lahat ng ipinapagawang challenges sa kanila. In-expect ba niyang magiging ganoon ang paghanga sa kanya ng publiko? "No, I did not expect. But I'm thankful," nakangiting sabi ni Solenn nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Network Center kahapon, September 22. Walang scheduled presscon si Solenn kahapon. Dumaan lang sila ng kanyang best friend na si Raymond Gutierrez sa pocket presscon ng kakambal ng huli na si Richard Gutierrez para sa docu-series nitong Anatomy of A Disaster. Kaibigan din kasi ni Solenn si Richard, na host din ng Survivor Philippines Celebrity Showdown. Pero nang hilingin na ma-interview siya ng press ay hindi naman tumanggi si Solenn. FAVORITE CASTAWAY. Ano ang masasabi niya sa ibang castaways na mas pasosyal pa ang dating kaysa sa kanya? "I don't complain about anything dahil hindi ako ganoon pinalaki ng parents ko, kaya I want to thank my parents. Basta ginagawa ko lang kung anong sabihin sa amin ni Richard," sabi niya. Walang nakuhang information ang PEP kay Solenn kung ano pa ang mangyayari saSurvivor Philippines. Bawal daw kasi silang magsalita dahil kasama ito sa pinirmahan nilang kontrata for the show. "Puwede lang kaming magsalita kung naipalabas na," sabi niya. "Like, 'yong naawa talaga kami kay Aki [Akihiro Sato] kasi paborito siyang kagatin ng lamok. Allergic pa naman siya sa kagat ng lamok." Kuwento pa niya, "Nag-lose ako ng five kilos while we were on the island. Before I joined the reality show, I ate rice only once a month. Pero doon, I ate rice every day. Ang sarap naman ng rice nila doon. "I ate anything, except oyster. I don't like oysters." Kung mayroon pa ulit celebrity edition ang Survivor Philippines, sasali ba siya ulit? "After bumalik kami rito from the island, they asked me if I will still join the reality show, if there's another one. Sabi ko, 'I don't like na.' But now that you ask me, I want to try it again," sagot ni Solenn |



RSS Feed