Nagliliyab sa init ang lampungan nina Dennis Trillo at Solenn Heussaff na first time magkapareha sa Metro Manila Film Festival entry ng Regal Multi-Media, Inc. na Yesterday Today Tomorrow.
Palibhasa, nakatago ang kanilang pakikipag-ulayaw sa istorya ng movie kaya naman sa tuwing magsisiping sila sa isang pribadong kuwarto, nag-aapoy nang todo ang kanilang damdamin, once nagdikit na ang kanilang mga labi at katawan sa kanilang love scenes, huh!
Isang dating macho dancer na naging gym instructor ang role ni Dennis sa Jun Lana family drama.
Nabighani niya si Solenn Heussaff habang nag-eensayo ito sa gym kahit kasalukuyang boyfriend naman ni Solenn si Paulo Avelino.
Lingid sa kaalaman ni Solenn, may relasyon si Dennis sa stepmother niyang si Agot Isidro na bagong partner ng inbalidong father nila, si Ronaldo Valdez, ng step sister niyang si Maricel Soriano.
Kaya naman labu-labo, salu-salo at talu-talo ang apat na characters ng movie sa kani-kanyang eksena na isa sa pinakamalaking atraksyon ng nag-iisang drama ngayong MMFF.
Eh, para kay Solenn, minani lang niya ang mga eksenang sexy at pagtuhog kina Dennis at Paulo, huh! After all, pagdating sa eksenang mapangahas, walang problema sa kanya dahil very comfortable siya sa kurbada ng katawan, huh!
Magkaiba nga lang ang paglalarawan niya kina Dennis at Paulo sa kissing at love scenes niya sa dalawang actor.
“Paulo’s very obedient in our love scenes! Ha! Ha! Ha! Very natural!” deskripsyon ni Solenn sa nakakikiliting eksena nila ni Paulo.
Sa totoo lang, hindi alam ni Solenn na nanginginig ang buong katawan at kamay ng young actor habang kinukunan ang eksena, huh!
Sabi naman niya kay Dennis, “They’re both good kisser! But he’s hotter in bed! Ha! Ha! Ha!”
“Woman of every man’s dream kasi si Solenn. So, ninerbyos ako sa love scene na ‘yon but very professional siya!” sabi ni Paulo.
“Masayang-masaya ako at nakasama ko si Solenn. Pagkatapos ng pelikula, siguradong maraming kalalakihan na maiinggit sa akin dahil sa ginawa namin ni Solenn! Marami pa silang makikita sa movie na wala sa trailer!” pahayag naman ni Dennis.
-Jun Nardo / abante.com